Ang aking Ritwal
Page 1 of 1 • Share •
Ang aking Ritwal
Ang sarap, Swak na swak. Maginhawa sa pakiramdam. Parang hanging dumadampi sa aking pisngi habang nakaupo ako sa ilalim ng punong nginingitian ang talas ng init sa kalawakan. Swabe.
Komportable Sa pagtutok, Walang balot. Walang alinlangan. Hindi pinapakialaman. tahimik. walang ibang tao. Ako lang at ang mga dala kong gamit sa kwartong ito. Hindi presko, hindi mainit. Tama lang. Ang sarap sa dibdib. Papasok pa lang, nasindihan ko na ang isang istik. Tamang tama ang amoy. Stimulant kumbaga. Nakakulong sa palad, Hawak ng mahigpit sa kanang kamay, Pababa at pataas ang cell habang pinagmamasdan kung may bagong mensahe o wala. Naka silent din syempre. Habang daklot ipinasok dahan-dahan ang jack ng earphone sa cell at isa isang inilagay sa tenga ang ear piece. Malumanay lang. Hindi malakas. Yung tama lang para ramdam pa rin kahit may sounds. Scan ako ng fm stations. Yung slow dapat. Hindi maganda kapag hard. Para swak na swak sa paligid. Sa atmosphere. Habang kaliwa't kanang nilalaro at pinagtutulungang pindutin ng mga daliri ko ang keys sa cell. Nagtetext. Nag gi games. sumusulyap sa babasahing pinapatungan ko lang ng siko sa aking binti. notebook. scratch paper. isang pahina ng dyaryo.... habang hawak ng paipit ang isang istik sa pagitan ng hintuturo at hinlalato ko sa kaliwang kamay. Umuusok. Unti unting napupudpod. Nasusunog. Habang tumutulak ng aking tiyan upang gumaan ang pakiramdam. Swabe ang kombinasyon. Hihithit. Bubuga. Liliyad paitaas, Dahan dahan pababa. Titigil pansamantala. Pagmamasdan ang usok na malayang ginagapang ang ere mula sa dulo ng istik hanggang sa tuluyang maglaho pataas sa kisame. Aking pinipitik paminsan minsan. Malalaglag ang abo. Hihithit para mabuhay ang apoy. Ibubuga at sasambulat sa ere na pawang mga ulap na pinagtagpi tagpi. Maglalaro ulit ng cell o di naman kaya'y babalikan ang papel at bahagyang hihinto para titigan ang usok na marahang umaakyat pataas. Dahan dahang tumatakas. Unti unting binabagtas ang ere na parang nahihirapan sa kanyang pagliko liko. Hindi pa lumalagpas sa aking ulo, bahagya na syang maglalaho hanggang sa mawala na. Nakailang hithit at buga. Mauubos din. Matatapos din. Mapupudpod din. makailang segundo pa. matatapos din ako. giginhawa ang pakiramdam ko. lalabas silang lahat. isasama ko ang istik sa balon. bubuhusan ng tubig hanggang sa tuluyang malamon. kaalinsabay ng aking ginhawa sa tiyan . . .
yan ang aking ritwal sa banyo.

cesky_efx- Flash member ll

- Age: 23
Location: Philippines
Mig33 ID: cesky_efx
Mood:
Character sheet
Skill: Chatter

cuttee- Mega member VIP

- Age: 27
Location: NETANYA,ISRAEL
Mig33 ID: cuttee/cuttee_gurl_force/bebe-danda-21/pretty_bench24
Mood:
Character sheet
Skill: Chatter

heavensangel_force- Mega member VIP

- Age: 33
Location: kuwait
Mig33 ID: heavensangel_force, anji_q8,
Mood:
Character sheet
Skill: Chatter
Permissions of this forum:
You cannot reply to topics in this forum